TrueMed GAMOT

iOS app by MLT Unlimited Solutions Corp. Medical · MLT Unlimited Solutions Corp

Store rating
0 / 5
Store rating count
0
Download price
Free to download
In-app purchases
Unknown
Version
1.3.0
Listing last refreshed
2026-09-15

View the original store listing

Store description excerpt

Hanggang ₱20,000 na libreng gamot kada taon. Alam mo ba kung paano ito kunin? Kung miyembro ka ng PhilHealth, may benepisyo kang gamot sa ilalim ng YAKAP: ang GAMOT (Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment) package. Ang TrueMed ay isang akreditadong PhilHealth GAMOT pharmacy sa Metro Manila. Ginawa namin ang app na ito para maintindihan ninyo ang benepisyo — at para makita kung anong gamot ang sakop. ANG NASA LOOB • Ang mga gamot na sakop ng GAMOT — 75 sa opisyal na listahan — hanapin sa pangalan, generic, o brand • Bawat gamot: para saan ito, magkano sa TrueMed kung walang reseta, at libre kung may valid na GAMOT prescription • Ang benepisyo, ipinaliwanag: YAKAP, GAMOT, UPSC, at kung ano ang dalhin • Apat na tanong para malaman kung kwalipikado ka — at kung ano ang susunod • Refill request at direktang linya sa botika GUMAGANA KAHIT WALANG SIGNAL Naka-bundle sa app ang buong listahan ng gamot. Walang account, walang tracking, walang ads. Ang presyo ay kuha noong petsang nakalagay sa app — para sa kasalukuyang presyo, tingnan sa truemed.ph. MAHALAGA Hindi po PhilHealth ang TrueMed. Isa po kaming pribadong botika na GAMOT-accredited. Ang PhilHealth ang nagdedesisyon kung kwalipikado kayo. Ang GAMOT prescription at UPSC code ay galing sa YAKAP clinic, hindi sa botika — hindi namin ito kayang i-issue o i-reissue. Hindi kami nagbebenta o nagbibigay ng gamot sa loob ng app na ito. Ang lahat ng impormasyon dito ay panggabay lamang at hindi kapalit ng payo ng doktor o parmasyutiko. Walang dosing o payo sa paggamot na ibinibigay ang app. Sundin ang reseta ng inyong doktor. Ang mga tuntunin ay batay sa PhilHealth Circular PC2025-0013 at sa opisyal na pahina ng PhilHealth. Puwedeng magbago ang mga ito — kumpirmahin po sa PhilHealth. TrueMed Pharmacy · FDA & DOH licensed · Accredited PhilHealth GAMOT Facility since April 2026 · Libreng delivery sa buong Metro Manila.

Review coverage

AppRill has captured 0 reviews for this app. This is a collected sample, separate from the store rating count. Latest review capture: Not captured yet.

Recent captured chart positions

No chart positions have been captured for this app yet.

Chart position, rating count and review coverage do not establish downloads, revenue or profit. Understand the differences.